1 anyos na bata, nadaplisan ng pickup truck

LUNGSOD NG BAGUIO – Aksidenteng nahagip ng kanang gulong ng isang pickup truck ang paa ng isang taong gulang na batang lalaki noong Nobyembre 13, 2018, dakong 4:15pm sa Pine Woods Subdivision Gate 4, KM 3, Asin Road, Baguio City.
Kinilala ang biktima na si Rhylle Ranz Salazar Panesa, 1 anyos, na habang naglalaro sa Bermuda Grass Land Scape paharap sa Gate 4 Guard House diumano ay dumulas at humantong sa pavement ng kalsada kung saan ang kanang paa nito ay nasagasaan ng kanang harap na gulong ng Ford Ranger DBL 2.2L pick up na may temporaryong plakang IO-7543, at minamaneho ni Ernesto Tamiao Bautista, 64 anyos, may asawa, retired PLDT employee, at residente ng Sariling Sikap San Carlos Heights, Purok 22, Irisan, Baguio City.
Ang pickup truck ay mula sa direksyon ng Pine Woods Subdivision pataas sa entrance/exit ng Gate 4 patungo sa direksyon ng Sta Lucia Road.
Bilang resulta ay nagtamo ng injuries sa kanang paa ang bata at dinala sa BGHMC ng driver kasama ang tatay na si Ranny Mera Panesa, 34 anyos, single, security guard at residente ng Pine Woods Sta Lucia Subdivision, Asin Road, Baguio City.
Nagkasundo sina Panesa at Bautista na papasanin ng huli ang lahat ng gastos sa ospital.

Amianan Balita Ngayon