1 patay, 2 kritikal nang tamaan ng kidlat

BAUANG, LA UNION- Patay at halos matusta ang isang binatilyo habang dalawa pa ang kritikal matapos matamaan ng kidlat sa Barangay Parian, Oeste, Bauang, La Union bandang 5:55 ng hapon ng Linggo, Mayo 20, 2018.
Ayon sa initial na imbestigasyon, naglalakad umano ang mga biktima na kinilalang si Arnold Lucero, 16-anyos; Daisy Joy Campos 29-anyos; at Willy Tejada, 32-anyos, sa isang hindi mapunong lugar sa nasabing barangay nang bigla na lamang natamaan sila ng kidlat.
Patay si Lucero bago pa man maitakbo sa ospital habang nagpapagaling naman ngayon sina Campos at Tejada sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) dahil sa mga natamong sunog sa katawan dulot ng kidlat. CHRISTIAN JASTINE V. MENDOZA, UC Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon