10 anyos, nabunggo ng van

Isang batang lalaki ang nabunggo ng isang Hi-Ace Toyota van, Abril 18, 2017 dakong 1:20 ng hapon sa Ambuclao Road, Baguio City.
Ang biktimang si Estaries Wayas Moyamoy, 10 anyos, residente ng Maria Basa Pacdal ay nabunggo ng van na may plakang ACX-1877 na minamaneho ni Abraham Ganase Domase, 50, single, driver at residente ng Gusaran Kabayan, Benguet.
Nabunggo ang bata nang patawid sa kalsada habang ang van ay mula sa direksyon ng Ambuclao Road. Nagtamo ng injuries ang biktima na dinala sa BGHMC.
Kinumpiska ng mga rumespondeng traffic investigator ang driver’s license ni Domase at ang OR/CR ng van.

Amianan Balita Ngayon