10 movie workers,nag-positibo sa COVID

JUST IN

BAGUIO CITY – “Hindi muna ako papayag sa anumang film shooting sa ngayon, dahil sa banta ng Delta variant.

At this time talagang maghihigpit na kami,” ito ang naging pahayag ni Mayor Benjamin Magalong, matapos mag-positibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang 10 movie workers, kabilang si Actor Arjo Atayde, na tumakas noong Agosto 16.

Ayon kay Magalong, ang grupo ni Atayde na kinabibilangan ng 100 artista, movie crew at staff ay mag-dadalawang buwan sa lungsod, para sa isang upcoming film nito ngayong taon.

Dahil sa clustering ng kaso sa kanilang grupo ay ipinatigil muna ang shooting at masusing ini-imbestigahan ngayon ng pamahalaang lungsod ang bubble breach of protocol at hindi pagsunod ng mga crew sa alintunin na posibleng masampahan ng kaukulang kaso.

Nabatid na noong lumabas ang RT-PCR (real-time reverse transcription polymerase chain reaction) test sa nasabing grupo, ay sampu ang nag-positibo, na pawang asymptomatic, samantalang si Atayde ay symptomatic,pero nakaalis na ito ng lungsod bago pa malaman na siya positibo.

 Ang siyam na movie workers ay agad na dinala sa isolation facility, maliban kay Atayde na agad din isinugod sa ospital sa Maynila,matapos malaman nito na siya ay positibo.

“They committed to us na magkakaroon sila ng bubble,pero hindi nangyari, nagkataon pala na may mga tao sila na umuuwi ng Maynila at pagbalik ay hindi na dumadaan ng triage.

Tapos, yong monthly na testing commitment nila ay hindi nagawa,so ito ang nangyari ngayon, they are ten people out of 100 sa grupo nila at mga crew ang nag-positive,” pahayag ni Magalong.

”Positive siya, kaya lang bigla siyang umalis ng Baguio, without our knowledge ay may mga potential na puwedeng  maka-infect siya dahil sa ginawa niya.”

Ang 90 crew at staff na isinailalim sa quarantine sa hotel at mahigpit na pinabantayan para hindi makaalis ng siyudad ay sinundo na pabalik ng Maynila.

Kaugnay nito, ang Feelmaking Production,Inc., ang kumpanya na pinagtratrabahuan ni Atayde ay humingi ng paumanhin at sinabing kailangan nilang i-rush ang actor  sa ospital dahil sa nararamdaman ntong mataas na lagnat,sakit ng ulo at nahirapan sa paghinga.

Naging “mutal decision” na umano ang kanilang ginawa sa biglaang pag-alis nito sa lungsod,matapos ipaalam sa magulang nito at doctor kaugnay sa kalagayan nito.

Handa rin umano ang kumpanya na tutulungan sa anumang pangangailangan sa siyam pang nag-positibo sa virus.