11 CULTURAL GROUPS HAHATAW SA FACE TO FACE PANAGBENGA FESTIVAL SA BAGUIO

BAGUIO CITY

Labingisang cultural groups ang matutunghayan sa kanilang ipapamalas na street dancing parade sa kaunaunahang face to face na pagbubukas kinasasabikang Panagbenga o’ Flower Festival sa Pebrero 1, matapos ang tatlong taon na mabinbin dulot ng pandemya. Sa temang “A Renaissance
of Wonder and Beauty” ay muling sisimulan ng city government at Baguio Flower Festival Foundation, Inc. (BFFFI), na pasiglahin ito ang makasaysayang festival na nagpapausbong ng turismo at ekonomiya sa Summer Capital.

Bagama’t hindi pa ganap na nakakalaya sa pandemya ay tatlo lamang ang lumahok sa drum and lyre streetdancing mula sa elementary division,na kinabibilangan ng Baguio Central Elemenraty School, Dona Josefa Carino Elementary School at Lucban Elemenraty School. Ayon kay Vangie Payno, chief of staff of parade events, ang tatlong elementary school lamang ang nagkumpirma na
lalahok na pinayagan ng kanikanilang magulang,matapos ang pagpayag din ng Department of Education na maaring lumahok ang mga mag-aaral basta masusunod ang mga guidelines.

“ Karamihan kasi sa dating kalahok ay nagsipaggraduate na at dahil nga sa pandemya ay hindi na
napagtuunan ng ng paaralan na bumuo ng kapalit at nitong Nobyembre lamang kasi nagpasiyahan ang face to face na Panagbenga celebration, kaya’t gahol na sila sa panahon para makalahok pa.
Pero, tiyak sa susunod na taon ay muling mabubuo ang dating lumalahok sa elementary division,” paliwanag ni Payno.

Aniya, ang walong cultural performers ay boluntaryong lalahok sa grand opening,kabilang ang
Philippine Military Academy Marching Band, Saint Loui’s College and High Schong Marching Band at mga civic organizations. “Yong walong cultural performers ay hindi kasali sa competition, maliban sa tatlong elementary school na magtutunggali sa pigging champion. Sa walong cultural
performers mula sa iba’t ibang organization,school, ay magdedecide pa kung lalahok para sa grand streedancing parade sa Pebrero 25,” ayon kay Payno.

Sinabi ni Payno na nagpakalat na sila ng imbitasyon sa iba’t ibang lalawigan at bayan sa Cordillera, maging sa lowland areas na ilahok ang kanilang mga festival sa grand streetdancing parade. “May mga nag-kumpirma na at marami ang gustong makilahok, kaya lang ay masusing nakikipag-ugnayan ang mga local government units sa mga magulang at masiguro na physically fit ang bawat kalahok.Umaasa tayo na marami ang lalahok sa grand streetdancing parade,na siyang inaabangan ng lahat,” pahayag pa ni Payno.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon