1,151 ARMAS NAKUMPISKA, 82 GUN VIOLATORS NAARESTO SA CORDILLERA

CAMP DANGWA, Benguet

Bilang resulta ng walang humpay na kampanya ng kapulisan laban sa loose firearms, may kabuuang 1,151 loose firearms ang nakumpiska, samantalang 82 gun violators ang naaresto sa Cordillera,mula Enero 1 hanggang Disyembre 31. Ayon sa Police Regional Office-Cordillera, ang lalawigan ng Abra ang may pinakamataas na bilang na nahuling 37 gun violators, sinundan ng Kalinga PPO na may 19 arestado; Apayao PPO na may 11 arestado; Benguet at Mountain Province PPO na may tig-limang arestado; Baguio City Police Office na may apat na arestado, at Ifugao PPO na may isang arestado.

Mula sa 1,151 sari-sari na hindi lisensyado o hindi rehistradong baril, 1,038 ang boluntaryong isinuko ng mga
indibidwal at stakeholder, habang 81 na baril ang nakumpiska at 32 na baril ang narekober sa iba’t ibang operasyon ng pulisya. Nangunguna sa listahan ang Abra PPO, na nakakuha ng pinakamaraming bilang ng loose firearms na may 388 baril, sinundan ng Benguet PPO na may 158, Kalinga PPO na may 144, Ifugao PPO na may 132, Mountain Province PPO na may 128, Baguio City Police Office na may 113, at Apayao PPO na may 88.

Amianan Balita Ngayon