11K TRAFFIC VIOLATERS NAHULI SA BAGUIO

BAGUIO CITY

May kabuuang 11,398 traffic violators ang nahuli mula sa pina-igting na kampanya ng Traffic Management Unit ng Baguio City Police sa siyudad ng Baguio. Ang pagdagsa mga motorista sa Summer Capital tuwing weekends ay inaasahan na ng TMU, kaya naman lagi silang nakaantabay sa mga pangunahing kalsada para maisan ang pagsisikip ng trapiko. Ayon kay Cpl. Jovanie Bania-Ao, ang Baguio City Police Office ay nakapagtala ng 5,969 traffic violators noong Enero at 5,429 ngayong Pebrero.

“Mostly, ang mga violations na aming binabantayan ay non-observance of traffic signs control and symbols. Ung mga loading and unloading na dapat pick and go lang, pero may pumaparada pa.We are also strictly implementing number coding scheme ng Baguio,” pahayag ni Bania-Ao. Ang kabuuang datos ng violators ay malaki ang naging ambag ng mga tauhan ng Public Order and Safety Division (POSD), na nakapagtala ng apprehension na 918 traffic violators noong Enero at 288 naman noong Pebrero.

Nakadagdag din sa datos ang Anti-Road Obstruction na ipinapatupad ng mga barangay, na nakaagtala ng 253 noong Enero at 217 noong Pebrero. Bagamat hindi pa tapos ang buwan ng enero ay kapansin-pansin ang pagbaba ng mga nahuhuling traffic violators sa lungsod. “Mostly, sa mga nahuhuli sa paglabag ng ating city ordinance ay mga turista mga naaapprehend natin karamihan
sinasabi nila na hindi nila alam at humihingi pa silang exemption,” pahayag ni Bania Ao. Aniya,sa ganitong kaso, hindi umano pinagbibigyan, ma-paturista man o residente ng Baguio. Ang mga traffic violations ay may kaukulang multa.

Franz Angielyn Olarte,UB Intern

Amianan Balita Ngayon