12 bayan na sa La Union apektado ng ASF

BANGAR, La Union – Isa pang bayan sa La Union ang pinakabagong nailistang naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) na umabot na sa 12 bayan ang naiulat na may kaso nitong Miyerkoles (Sept. 16, 2020).
Ayon kay Bangar Mayor Joy Pinzon Merin sa kaniyang opisyal na pahayag na sa kabila ng kanilang walang-humpay na hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng ASF na nakakaapekto sa mga nagbababoy ay ipinagbigayalam niya ang outbreak ng nasabing impeksiyon sa hayop sa tatlong barangay, ang Reyna Ragente, Consuegra, at Maria Cristina East.
Natanggap nila ang opisyal na mga resulta noong Martes sa mga blood sampling na isinasagawa nang biglaan ang isa-isang pagkamatay ng mga baboy sa nasabing mga barangay ay nakumpirmang positibo sa ASF.
Naglabas na ang mayor ng isang Executive Order upang ipatupad ang isang temporary total lockdown sa mga buhay na baboy, swine, pork meat sa mga apektadong barangay sa loob ng isang kilometrong radius mula sa index cases (ground zero) ng ASF sa munisipalidad na apektado sa loob ng 14 na araw simula Setyembre 16.
Ang pamahalaang bayan sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture at Provincial Government Office of the Veterinarian ay nagsasagawa ng agarang precautionary protocols upang mahadlangan ang pagkalat ng sakit ng hayop.
Siniguro ni Merin sa publiko na lahat ng karne ng baboy na ibinebenta sa palengke ay ligtas na kainin dahil sumailalim ito sa inspeksiyon ng meat inspector. Ang ibang bayan na kasalukuyang apektado ay ang Balaoan, at Luna, at mga barangay Calungbuyan; Patpata; Cabu-an; Tallipuo; Pantar Sur; Bet-ang; Oaqui 1, 2, 3, 4; Napaset; at Victoria.
Lahat ng nabanggit na mga barangay ay nasa total lockdown sa live hogs, swine, at pork meat products.
Ang ibang dati nang may kaso ng ASF ay ang Naguilian, Bauang, Burgos, Sudipen, Santo Tomas, Aringay, Agoo Pugo at San Fernando City.
EB/PMCJr.-ABN
 

Amianan Balita Ngayon