12 KALINGA COPS PINARANGALAN SA KANILANG ACCOMPLISHMENTS

TABUK CITY, Kalinga

Labing-dalawang pulis ang ginawaran ng Medalya ng PNP para sa kanilang kapansin-pansing mga
nagawa sa command visit ni Brig.Gen.David Peredo,Jr., regional director ng Police Regional Office-Cordillera sa Camp Capt Juan M Duyan, Bulanao, Tabuk City , Kalinga, noong Mayo 8. Isang Medalya ng Kagalingan (Medal of Merit) ang ibinigay kina Kapitan Joseph Marcasi at SSg Louie
Padayao para sa matagumpay na pagkakaaresto sa isang High-Value Individual at Regional Top Ten drug personality dahil sa paglabag sa RA 9165 sa Kalinga.

Ang parehong parangal ay iginawad kina PEMS Jerry Granel at PEMS Geopano A Mosing para sa matagumpay na pag-aresto sa No. 6 Most Wanted Person, City Level, dahil sa paglabag sa RA 8353 sa Cagayan. Medalya ng Kasanayan (PNP Efficiency Medal) ay iginawad kina Maj. Quendolyn
Adangi at SSg Viva Rose Chulsi para sa kanilang napakahalagang serbisyo bilang Lecturer sa matagumpay na pagsasagawa ng 10-Day Crime Scene Initial Response Orientation Course (CSIROC) sa Tabuk City, Kalinga.

Dagdag pa, ang Medalya ng Papuri (PNP Commendation Medal) ay ipinagkaloob kina Lt.Arnel Gunayon at PCMS Albert Gupaal Jr. para sa matagumpay na pag-aresto sa suspek na nakalista bilang Ten Most Wanted Person, Municipal Level ng Cagayan Police Provincial Office, dahil sa
paglabag sa RA 10591 at PD 1866 sa Kalinga. Ang parehong parangal ay ibinigay kina SSg Peter Lao-ang at Pat Irene Yag-ao para sa kanilang makabuluhang kontribusyon sa matagumpay
na pagsasagawa ng 3-Day Youth Leadership Summit na ginanap sa Kalinga.

Gayundin, iginawad ang Medalya ng Ugnayang Pampulisya (Police Relations Medal) kina Capt.Virginia Sabawil at SSg Arnel Banatao para sa kanilang kapansinpansing mga nagawa sa
larangan ng Police Community Relations sa ilalim ng Project KABADANG sa Kalinga. Kasama ni Peredo si Col. Charles Domallig, provincial director ng Kalinga Provincial Police Office sa seremonya ng parangal.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon