13 anyos, nanaksak ng 14 anyos na binatilyo

Sinaksak ng 13 anyos na out-of-school-youth ang isang 14 anyos na binatilyo sa Bangued, Abra, Huwebes (Hulyo 6) ng umaga.
Ayon sa ulat, nanonood ng card game ang 14 anyos na binatilyo sa basketball court ng nasabing bayan nang bigla itong batuhin ng bola ng 13 anyos na out-of-school-youth.
Ito ang nag-udyok sa 14 anyos na sakalin ang 13 anyos, at doon ay naglabas ang 13 anyos ng balisong mula sa kaniyang baywang at isinaksak sa kaliwang hita ng biktima.
Tumakas ang 13 anyos nang ito’y awatin.
Itinakbo ang biktima sa Abra Provincial Hospital at narekober ng mga otoridad ang kutsilyong ginamit. ACE ALEGRE

Amianan Balita Ngayon