132K KATAO APEKTADO NG MAGNITUDE 6.4 NA LINDOL SA ABRA, KALINGA

BANGUED, Abra – May kabuuang 132,601 katao mula sa 40,006 pamilya ang naitalang apektado sa
naganap na magnitude 6.4 na lindol noong Oktubre 25 sa lalawigan Abra at Kalinga. Ayon sa situational report ng Department of Social Welfare and Development- Cordillera noong tanghali ng Oktubre 27, may 8 kabahayan ang totally damaged at 1,925 ang partially damaged, habang 13 pamilya o 43 indibidwal ang
nasa evacuation centers.

Naitala ang 39,979 family o’ 132,484 individual mual a 170 barangay sa 16 bayan sa Abra, na naging sentro ng lindol. Nadagdag ang 27 pamilya o 137 individual mula sa dalawang barangay sa isang bayan sa Kalinga ang apektado din ng lindol. Nabatid na 32 katao ang nasugatan sa lindol noong Oktubre 25 at walang naiulat na namatay o nawawala sa trahedya.

Agad na nagtungo si DSWD Secretary Erwin Tulfo sa Bangued, Abra noong Oktubre 26 at personal na nagbigay ng agarang tulong na P5,000 bawat isa sa pitong indibidwal na nasugatan sa Lagayan, Abra na naging sentro ng lindol.Nangako si Tulfo na magbibigay ng cash assistance sa lahat ng mga nasugatan at pamilya na ang mga bahay ay nasira, ganap o bahagyang nasira.

Inatasan din nito ang DSWD-Cordillera na ipagpatuloy ang pamimigay ng family food packs sa mga biktima at agad na gawin ang nasirang assessment upang maipamahagi ang tulong pinansyal ng gobyerno. Iniulat ng Department of Education -Abra Schools Division Office na sa una ay 58 na mga paaralan ang nasira ng lindol at ang mga pagtatasa ay nagpapatuloy sa ibang mga bayan. Dahil dito, ipinagpatuloy ni Gobernador Dominic Valera ang suspension ng klase ngayong araw, Oktubre 27.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon