138K inaasahang boboto sa Dagupan City sa Mayo 9

Provincial

LUNGSOD NG DAGUPAN, PANGASINAN – Nasa 138,721 rehistradong mga residente mg Lungsod ng Dagupan ang inaasahang boboto sa Mayo 9, ang lungsod na ito ang may pinakamaraming botante sa probinsiya ng Pangasinan.

Mula 119,000 botante noong 2019, ang bilang ay umakyat sa 138,721 para sa halalan ngayong taon. Sa isang panayam noong Miyerkoles (Mayo 4), ipinatungkol ni city election officer Michael Franks Sarmiento ang pagtaas sa bilang ng mga rehistradong mga miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK) sa tratlong taong nakalipas na tumanda na at naging kuwalipikado nang regular na botante.

“Also, this past registration period, 80 percent of the registrants were youths,” aniya. Sinabi ni Sarmiento na ang biglang pagtaas ng bilang ng mga botante ay dahil din sa istratehya ng kaniyang opisina na ipinatupad noong 2019, ito ang satellite registrations sa mga paaralan.

“The city Comelec (Commission on Elections) went to the schools and conducted satellite registration to make the registration procedure accessible to everyone. We targeted the youths. We made sure that we covered all the secondary schools. It helped to somehow decongest the crown in our office,” dagdag niya.

Ang mga lugar sa probinsiya na may malaking bilang ng rehostradong botante ay ang San Carlos City na may 126,283, Urdaneta City may 95,971, Malasiqui may 85,815, Bayambang may 83,083, Lingayen may 72,144, Mangaldan may 67,912, Calasiao may 66,126, Binmaley may 63,908, at Alaminos City na may 62,546.

Samantala, sinabi ng Comelec na abng face shields, vaccination cards, at coronavirus disease 2019 tests ay hindi hinihingi sa pagboto sa Lunes, Mayo 9.

(LY-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)