14 taon nagtago, rape suspek huli sa Benguet

LA TRINIDAD, Benguet – Makalipas ang 14 taon, nahuli na ang suspek sa paggagahasa ng tatlong beses sa isang menor de edad mula sa kanyang pinagtataguan sa Tublay,Benguet.
Kinilala ni Benguet PPO Provincial Director Col. Reynaldo Pasiwen, ang nadakip na si Jimmy Devis Dacnes, 31, single,residente ng Sitio Balococ, Dalupirip, Itogon, Benguet, na nasakote ng Tublay MPS sa Lower Acop, Caponga, Tublay, Benguet.
Ayon kay Pasiwen, si Dacnes ay nakatala bilang Provincial’s No.2 Top Most Wanted Person, kaugnay sa kinahaharap nitong Multiple rape case sa sala ni Judge Marietta Brawner-Cualing,ng Branch 9, Regional Trial Court, First Judicial Region, Benguet Province, na walang kaukulang piyansa.
Nabatid kay Tublay MPS acting Chief of Police Lt. Jeremias Toyokan,ang insidente ay naganap noong taong 2007, 2008 and 2020, na ang biktima ay isa pang menor de edad, na ngayon ay 21 taong gulang na.
Nang malaman umano ng suspek na sinampahan siya ng kaso ay nagtago na ito,hanggang sa matukoy ang kanyang pinagtataguan.
 
 

Amianan Balita Ngayon