14 WANTED PERSON ARESTADO SA CORDILLERA

LA TRINIDAD, Benguet

Nasakote ang 14 na wanted person sa loob ng isang linggong pinaigting na pagpapatupad ng mga anticriminal strategies at pagpapatupad ng batas ng kapulisan sa Cordillera, mula Disyembre 24 hanggang 30. Batay sa tala ng Regional Investigation and Detective Management Division, naitala
ng Benguet Police Provincial Office ang pinakamataas na bilang ng anim na wanted na nadakip, sinundan ng Baguio City Police Office na may apat na naaresto; Ifugao PPO na may dalawang arestado at Apayao PPO at Kalinga PPO na may tigiisang arestado.

Sa 14 na naarestong personalidad, isang indibidwal ang nakalista bilang most wanted person sa Municipal Level. Iniulat din ng PRO Corillera na 61 munisipalidad sa rehiyon at limang istasyon ng pulisya sa Baguio City ang nagtala ng zero na insidente ng krimen sa parehong panahon. Zero crime incidents ang naitala sa 22 munisipalidad sa Abra, sampung munisipalidad sa Ifugao, siyam na munisipalidad sa Benguet, anim na munisipalidad sa Apayao, apat na munisipalidad sa Kalinga, at sa 10 munisipalidad sa Mountain Province. Naitala ng Naguilian Police Station (PS1), Camdas PS2, Loakan PS4, Aurora Hill PS6, at Kennon Road PS8 ang zero crime incident sa 10 police stations sa Baguio City.

Zaldy Comanda/ABN

 

TO BE CHARGED

Amianan Balita Ngayon