CAMP DANGWA, Benguet
Iniulat ng Police Regional Office-Cordillera na naging mapayapa ang pagsasagawa ng paghahain ng Certificates of
Candidacy (COC) at Certificates of Nomination and Acceptance (CONA) ng kabuuang 1,457 sa buong rehiyon mula Oktubre 1 hanggang 8. Sa nasabing bilang, 166 ang mga kandidato sa provincial level na kinabibilangan ng Benguet-34; Mt. Province-31; Kalinga-25; Abra-29; Apayao-17 at Ifugao- 30. Ang Baguio City na may pinakamaraming kandidato na 58, na kinabibilangan ng 7 congressmen, 6 Mayors, 2 Vice Mayors at 43 para sa City Councilors.
Ang natitirang 1,233 kandidato ay para sa municipal Mayor, Vice Mayor at City, Municipal Councilors sa buong rehiyon. Labis na pinuri ng Brig.Gen.David Peredo,Jr., ang 2,796 na kapulisan na kanyang ipinakalat sa iba’t ibang
lalawigan at siyudad para bantayan ang seguridad at katahimikan sa mga filing center sa buong rehiyon. Ayon kay Peredo, sa katatapos na filing period kahapon ay nanatiling mapayapa at maayos sa pangkalahatan, na walang
naitala na hindi kanais-nais na insidente.
Pinuri din niya ang komunidad, maging ang mga kandidato sa kanilang kooperasyon na maipatupad ng kapulisan ang mapayapang paghahain ng kanilang kandidatura. Ikinasiya din nito ang masigasig na pagsisikap sa pagsasagawa ng mga patrol, pagtatatag ng mga checkpoint, para bantayan ang magsasamantala na manggulo sa mga filing center
at ang pagtutulungan ng AFP, PNP, at ng Local Government Units sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong rehiyon sa panahong ito.
Zaldy Comanda/ABN
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025