1,588 NA PULIS ANG IDEDEPLOY SA BAGUIO FLOWER FESTIVAL

BAGUIO CITY

Ipinahayag ng liderato ng Cordillera Police na magtatalaga sila ng 1,588 na kapulisan sa darating na pagdiriwang ng Baguio Flower Festival o Panagbenga 2023 upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng mga residente at ng mga turista na dadalo sa nasabing festival. Ito ay ayon kay Brig .Gen. Mafelino Bazar ,regional; director ng Police Regional Office-Cordillera upang masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng bawat dadalo sa nasabing long-moth celebration ng Panagbenga sa darating buwan ng Pebrero hanggang sa unang lingo ng Marso.

Aniya idedeploy nila ang mga pulis sa ibat-ibang lugar sa loob ng central business district lalo na sa loob ng Mall, mga terminal ng sasakyan , sa mga parks, sa city market at iba pang lugar na dinadagsa nga mga turista. Tinawagan din ng pansin ni Bazar ang Benguet Provincial Police Office na magtalaga ng mga pulis sa mga tourists destination ng Benguet upanng maprotektahan ang mga turista maging lokal man o taga ibang bayan.

Aniya nagkikipag ugnayan na rin ang BCPO at BPPO sa mga lokal na pamahalaan ng Baguio at Benguet upang maisaayos ang problema sa trapiko na madalas nagiging problema ng mga motorist. ”Paghandaan natin ito kasi maraming bisitang darating. Tutulong tayo sa traffic
management at sa pag-ensure ng seguridad ng ating mga kababayan,” pagbibigay diin ni Bazar . Sa February 1 magsisimula na ang opening parade ng Panagbenga at ang Grand Street Dance & Float Parades ay sa February 25 at 26; sy psgbubuksd ns rin ng Session Road in Bloom mula February 27
hanggang sa March 5 at dito na rin sa araw na ito igagawad ang awarding at closing ceremonies at
ang Grand Aerial Fireworks Display sa gabi ng March 5, 2023.

“Bagamat marami tayong idedeploy na mga pulis, patuloy pa rin ang pagpapa-alala natin sa ating mga kababayan na maging responsable sa kanilang mga personal na kagamitan. Inutusan ko rin ang ating mga patrollers na tuloy-tuloy lang sa pagbibigay ng mga calling cards upang merong
matawagan ang ating mga kababayan kung kailangan nila ng tulong,”ani Bazar.

Artemio A. Dumlao/ABN

Amianan Balita Ngayon