16 bayan, isinailalim sa leptospirosis watch

Jul 16, 2017

LINGAYEN, PANGASINAN – Nagbabala ang Provincial Health Office (PHO) sa mga residente ng Pangasinan na iwasan ang lumakad sa matubig ngayong tag-ulan dahil 16 na bayan ang nailagay sa leptospirosis watchlist.
Sa pahayag ni Dr. Anna de Guzman, provincial health officer, anim na katao ang namatay at 40 ang tinamaan ng leptospirosis mula sa iba’t ibang bahagi ng Pangasinan mula Enero 2017.
Ang mga bayan na nasa ilalim ng watchlist ay Mangatarem, San Jacinto, Mangaldan, Burgos, Bayambang, Sta. Barbara, Sual, Tayug, Alaminos City, Binmaley, Bolinao, Mabini, San Carlos City, Manaoag, San Fabian at Alcala.
Ang Dagupan City, na nakahiwalay bilang isang political unit ng Pangasinan, ay nakapagtatala rin ng mataas na insidente ng leptospirosis bawat taon.
Ayon sa PHO, ang leptospirosis ay isang sakit sanhi ng bacteria leptospira na pumapasok sa katawan ng tao mula sa open wound sa paa o sa ibabang bahagi ng katawan.
Ang pinakabagong fatality ng leptospirosis ay isang babae mula sa Barangay Bari, Mangaldan.
Ayon pa sa PHO na ang mabuting paraan upang maiwasan ang sakit ay ang hindi paglakad sa matubig na bahagi at kung hindi maiiwasan ay kinakailangang magsuot ng protective boots.
Pinaalalahanan naman ni De Guzman ang mga residente ng Pangasinan na kung naramdaman ang unang sintomas ng sakit, kinakailangang magpasuri agad ang pasyente sa doktor at huwag hintaying lumala pa ang kondisyon.
Mula sa website ng Department of Health, ang mga palatandaan ng leptospirosis ay lagnat; panginginig ng katawan o “chills”; pananakit ng ulo, binti, kalamnan at kasu-kasuan; pamumula ng mga mata; paninilaw ng balat; at nahihirapang umihi. Kung may lagnat nang dalawang araw ay agad na komunsulta sa doktor. May ulat si LVMICUA/PNA / ABN

RELATED POSTS

FILIPINO ATHLETES

FILIPINO ATHLETES

In this March 2022 file photo, Cong. Eric Go Yap of Benguet shares some light moment with Team Lakay’s Eduard Folayang and coach Mark...

AMIANAN POLICE PATROL

College student,driver, farmer, huli sa P19.8M marijuana sa Kalinga  TABUK CITY, Kalinga – Hindi nakalusot ang isang college student at...

TUBA WATER SYSTEM

TUBA WATER SYSTEM

After decades of waiting, thousands of residents of Barangay Poblacion and adjoining barangays will soon benefit from a water system...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest