LA TRINIDAD, BENGUET
Labing-anim competing barangays habang dalawang non-competing communities ang
magpa-patalbugan ng kani-kanilang entries sa nalalapit na Float Parade ng Strawberry Festival sa Marso 18. Kasama sa float parade ay ang apat na kalahok sa Drum and Lyre at Street Dancing
competition na matutunghayan sa kahabaan ng Km 6 patungo sa harapan ng munisipyo. Sa temang “A Festival for recovery: Building a brighter future from adversities” na naglalayong paigtingin ang
pagbangon tungo sa ekonomiya mula sa pandemya.
“We are starting to recover actually. Ngayon din ang tourism is having a reset even in the government, we are concentrating on economic recovery sana,” ayon kay Valred Olsim, Municipal Tourism Officer 1. Inaasahan naman ang mahigit kumulang na 5,000 bilang ng expectators sa
naturang kaganapan kaya’t binigyang-diin ng pansin ni Olsim ang trapiko upang masigurado ang mapayapa at maayos na pagsasagawa ng parada.
Babawasan ang performance time ng mga street dancers at drum and lyre participants upang hindi
mahirapan ang mga motorista. Mag-uumpisa ang parada ng alas otso ng umaga at kinakailangang matapos na ng 9:30 o hanggang alas diyes ng umaga. Aniya, naitalaga na ang pulisya bilang Safety and Security Traffic Management team para sa naturang problema sa trapiko. Nanawagan din si Olsim sa Baguio at karatig-lugar na tulungan sila sa kakulangan ng munisipalidad sa accommodation areas na pwedeng puntahan ng mga turista sakaling manood sila ng festival dahil narin sa kaliitan ng munisipalidad.
Chasetine Glad Banig-UB Intern
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024