16 katao, ligtas sa aksidente sa Mt. Province

La Trinidad, Benguet – Isinugod sa ospital ang 16 pasahero ng isang pribadong jeepney kabilang ang driver pagkaraang mawalan ng preno at tumagilid pakanan ang sasakyan, umaga ng Hulyo 25 sa bayan ng Natonin, Mt. Province.
Ayon sa pulisya, ang jeepney na may plakang DSX 618 na minameho ni Celso Bagyan, 39, tubong Loo, Buguias, Benguet ay biglang nawalan ng preno sa Sitio Mangnao, Barangay Saliok habang papunta sa bayan ng Paracelis, Mt. Province.
Ang jeepney ay nasiraan sa kanang bahagi, bumper at nabasag ang mga bintana.
Ang mga pasaherong isinugod sa ospital na agad ding pinauwi ay sina: Noli Liwag, 32, mula sa Sabangan, Mt. Province; Junison Dangpa, 27; Julius Paleng, 28; Meriam Dangpa, 22; Marvin Vilog, 34; Bagyan, ang driver; Jason Dangpa, 23; Brenda Bagyan, 36; Samuel Benito, 67; Samuel Bekigan; Sonita Dangpa; Edmard Aggang, 28; Remy Dolores, 27; Arlyn Dolores; Shiela Bilao, 57; lahat ay mula sa Buguias, Benguet; at Dan Focasan mula Natonin, Mt. Province. Ace Alegre

Amianan Balita Ngayon