16 SUGAROL HULI SA RAID

Police Patrol

LA TRINIDAD, Benguet – Nabulabog ang masayang pustahan ng 16 katao sa tupada at baccarat, nang biglang salakayin ng pulisya sa magkahiwalay na anri- illegal gambling operation sa Abra at Mt.Province.

Sa ulat na tinanggap ni PROCOR Regional Director BGen.Ronald Oliver Lee, huli sa akto ang mga nadakip na sina Rolando Borreto, 62; Augusto Marciano; Hener Bersamina, 36; Mark Glenn Pilotin, 20; Marlito Tabernilla, 32; Rotsen Bayquen, 22; Chester Rey Blando, 20 at Raul Berona, 50.

Nabatid na nagsagawa ng anti-illegal gambling operation ang tauhan ng Bangued MPS at 1504th MC- RMFB15 matapos makatanggapng ulat na may nagaganap na illegal cockfighting (tupada) sa Sitio Baddec, Barangay Palao, Bangued, Abra.

Nakumpiska ng pulisya ang apat na patay na fighting cocks; isang leather gaffle case containing three gaffles; anim na chicken boxes at P24,320.00 bet money.

Sa Mt. Province, nasakote ang walong katao habang aktong nagsusugal ng “Baccarat” sa isang paupahang establishment sa Panorama View Deck, Barangay Losad, Sabangan, Mountain Province.

Nakilala ang mga dinakip a sina Rabbi Uyan Uyod, 32; Godfrey Payangdo Mangawili, 27; Placido Jr. Benos Lumpisa, 23; Ramon Palangyos Masidong, 30; Roberto Jr. Taguibos Dampalig, 42; Jomar Lacwasan Sapdoy, 25; Agosto Lang-et Dida, 41 atAlfie Tuwadan Degan, 25.

Narekober ng mga tauhan ng Sabangan MPS ang isang Baccarat table; 80 pirasong white and blue gambling chips; 49 pcs black and white chips; 46 pcs red and white chips; 28 pcs blue and white chips; 50 pcs green and white chips; Dark green chip labeled 10C€=2; set of blue and red playing cards; set of red and green condor playing cards; two one-peso coins; lighter; white chips labeled dealer; a woodblock labeled player and player wins; a woodblock labeled banker and banker wins; baccarat board; a slot machine “Kolalong” w/ padlock; Improvised gambling paraphernalia box; at aluminum chip box.

Ang mga nadakip ay kinasuhan ng paglabag sa Presidential Decree No. 1602.

Zaldy Comanda/ABN