1,600 GURO ITATALAGA SA BARANGAY, SK POLLS SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY

Nasa 1,600 guro na magsisilbing election officers ang itatalaga sa iba’t ibang polling precinct para sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa Oktubre 30, ayon sa Department of Education-Baguio City. Sa isinagawang pagpupulong ng City Joint Security Control Center (CJSCC) sa Baguio City Police Office, sinabi ni Soraya Faculo, officer-in-charge Schools
Division Superintendent (SDS) ng DepEd, na ang bilang ay halos kalahati ng kabuuang puwersa ng pagtuturo ng DepED.

Aniya, mayroong 1,600 guro na handang magsilbi sa eleksyon at maaaring i-schedule ang kanilang pagsasanay sa Setyembre pagkatapos ng mga klase para sa darating na pasukan ng paaralan. Ayon kay Faculo, inaasahan nilang matataposagad na isusumite sa Comelec ang listahan ng mga pangalan ng mga guro na magsisilbing miyembro ng electoral board sa halalan sa Oktubre 30. Dagdag pa niya, karamihan sa mga guro sa lungsod na tutulong sa halalan ay medyo mga batang guro na kayang hadlangan ang iba’t ibang hamon na dulot ng manumanong halalan.

Sa parehong meeting, sinabi ni John Paul Martin, Baguio election supervisor, na ang lungsod ay mayroong 169,711 adultong botante at 46,762 rehistradong SK botante na karapat-dapat na bumoto sa Oktubre 30. Ayon sa kaniya, sila ay kumpiyansa na lalo na sa mga SK voters, sila ay lalabas at
boboto. Idinagdag na ang lokal na Comelec ay nagsasagawa ng voter education sa mga SK groups at sa mga paaralan. Aniya, noong 2018, mahigit 20 barangay sa Baguio sa 128 ang nabigong maghalal
ng mga opisyal ng SK dahil walang kabataang botante ang nagparehistro para sa botohan noong taong iyon.

Mahigit sa kalahati umano ng 128 barangay ay nabigo na umabot sa “quorum” o walang mga kandidato para sa SK chairman. Ayon kay Martin, nagkaroon ng massive voters’ education dahil sa datos ng SK na mayroon sa Baguio kung saan inulit ang kahalagahan ng SK, at malalaman sa panahon ng paghahain kung talagang umapela sa kanila ang mga aktibidad sa pagsasagawa ng
edukasyon sa mga botante.

John Mark Malitao/UC-Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon