CAMP DANGWA, Benguet
Nasa kabuuang P40,646,728.00 halaga ng marijuana, shabu ang nakumpiska, habang 17 drug
personalities ang naaresto, kabilang ang 11 High Value Individuals (HVI), sa magkahiwalay na anti-illegal drug operations na isinagawa sa buong rehiyon mula Agosto 13– 19. Binanggit sa rekord ng
Police Regional OfficeCordillera, sa magkahiwalay na marijuana eradication ay 21 plantasyon ng marijuana ang nadiskumbre na may kabuuang 163, 425 Fully Grown Marijuana Plants (FGMJP), 650 Marijuana Seedlings, 50, 000 Dried Marijuana Leaves at Fruiting Tops, at 15,000 tangkay ng
marijuana na may kabuuang Standard Drug Price na P40,511,000.00 ang binunot at sinunog sa mga lalawigan ng Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mt. Province.
Sinabi din sa record, naaresto ang 17 drug personalities matapos silang mahulihan ng kabuuang 10.69 gramo ng shabu, na may kabuuang SDP na P135,728.00. Walong sa mga drug pushers ang nasakote ng mga operatiba ng Baguio City Police Office (BCPO), na sinundan ng Kalinga Police Provincial Office (PPO) na may apat na arestado; Abra PPO at Benguet PPO na may tig-dalawang arestado at Mt.Province PPO na may isang arestado.
TFP/ABN
August 26, 2023
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025