1,778 wanted person nasakote sa Cordillera

BAGUIO CITY – Nanguna ang Baguio City Police Office (BCPO) sa pinaigting na “Oplan Tugis” ng Police Regional Police Office-Cordillera at naitala ang kabuuang 1.778 wanted personalities ang nadakip sa nakalipas na taong 2021.
Iniulat ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD) mula Enero hanggang Disyembre 31,2021, ang Baguio
City Police Office (BCPO) ay may pinakamataas na bilang na naarestong wanted person na 731 at sinundan ito ng Benguet Police Provincial Office na 415 arrests; Abra PPO-186 arrests; Ifugao PPO-167 arrests; Kalinga PPO-154 arrests; Apayao PPO-70 arrests at Mt. Province PPO-55 arrests.
Sa kabuuang 1,778 wanted persons na nadakip, ay 422 ang nakatala bilang Most Wanted Personalities (MWP) in various levels: 13 sa Regional Level, 156 sa Provincial/ City Level at 254 sa Municipal Level.
Labis na pinuri ni PROCOR Regional Director BGen. Ronald Oliver Lee, ang kapulisan sa kanilang masigasig na kampanya laban sa mga taong nagtatago sa batas.
“Bukod sa masisipag nating kapulisan, nais din nating pasalamatan ang publiko sa kanilang kooperasyon at tulong sa pagbibigay ng impormasyon para sa ikakadakip ng mga nasabing wanted”pahayag ni Lee.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon