LA TRINIDAD, Benguet
Nalambat ng pulisya ang 18 wanted person, samantalang 63 munisipyo sa Cordillera ang nakapagtala ng zero crime incidents, noong Oktubre 23-26. Naitala ng Benguet Police Provincial Office (PPO) ang pinakamataas na bilang ng mga naaresto, na walong indibidwal, sinundan ito ng Baguio City Police Office (CPO), na anim arestado; Ifugao PPO may tatlong naaresto, at ang Mountain Province PPO na may isang naaresto.
Sa 18 na nahuling indibidwal, dalawa ang kinilala bilang Most Wanted Persons— isa sa Provincial Level at isa sa
Municipal Level. Bukod dito, ang pinaigting na presensya ng pulisya ay nagresulta sa zero crime incident sa 63 munisipalidad sa buong rehiyon, kabilang ang apat na istasyon ng pulisya sa Baguio City. Sa partikular, walang
naiulat na krimen sa 23 munisipalidad sa Abra, 11 sa Benguet, tig-siyam sa Ifugao at Mountain Province, anim sa
Kalinga, at lima sa Apayao.
Gayundin, ang Baguio CPO Police Stations (PS)1, PS4, PS6, at PS9 ay walang krimen. Ang mga operasyong ito ay resulta ng magkasanib na pagsisikap ng iba’t ibang yunit ng PRO-CAR, na binibigyang-diin ang kanilang pangako sa
pagtiyak sa kaligtasan ng publiko.
Zaldy Comada/ABN
November 1, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024