189 pambansang ahensiya ng gobyerno, sumusunod na sa FOI

Mar 10, 2018

Ang lahat ng 189 pambansang ahensiya ng gobyerno (NGAs) ay lubos nang sumusunod sa Freedom of Information (FOI) Law umpisa noong Marso 6, 2018 na magbibigay sa mga Pilipino nang mas madaling oras sa pagkuha ng pampublikong datos mula sa mga opisinang ito.
Ito ang ipinahayag ni Presidential Communications Assistant Secretary for Policy and Special Concerns Kristian Ablan sa mga miyembro ng Media sa Baguio noong Martes.
Sinabi ni Ablan na siya ring director ng Freedom of Information (FOI) program ng gobyerno na lahat ng NGAs ay nagsumite ng kani-kanilang FOI manuals.
Ayon pa kay Ablan, ang isa’t-kalahating taon ng implementasyon ng FOI program ay tumutok ang gobyerno sa NGAs kaya 100 porsiyento ang compliance rate.
Sinabi niya na ang pagtutok ay ililipat na sa mga opisina ng gobyerno sa ilalim ng executive branch na kailangan pang sumunod sa pagsumite ng kanilang FOI manuals.
Binanggit ni Ablan na 83 sa kabuuang 120 government-owned and controlled corporations o 68 porsiyento ay FOI-compliant.
99 sa kabuuang 113 state universities at colleges ay compliant na o 88 prosiyento, habang 175 sa 500 local water districts sa buong bansa o 35 porsiyento ay nakasunod na sa FOI law.
“FOI tries to rebuild the foundation of trust between citizens and government,” ani Ablan. “If government allows itself to be open and vulnerable, then the citizens will be more trusting.”
Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang FOI Executive Order noong Hulyo 23, 2016 na layong panatilihin ang karapatang konstitusyunal ng mga Pilipino sa impormasyon sa mga bagay na pampubliko.
Ang FOI ay mahalagang elemento ng plano sa pamamahala ng administrasyong Duterte na magkaroon ng mga reporma at inisyatibo na makamit ang mas higit na transparency, accountability at partisipasyon ng mamamayan sa pamamahala.
Sa pamamagitan nito ay mabigyang-kapangyarihan ang mga mamamayan na gumawa ng formal request na kumuha ng pampublikong impormasyon, maliban sa mga sensitibong lugar na nakakaapekto sa pambansang seguridad.
Sa pagkuha ng serbisyo ng FOI ay kahit sino lalo na ang mga nagmumula sa probinsiya ay makakaiwas sa abala ng biyahe sa Metro Manila sa simpleng pag-oonline lamang. Kailangan lang maglog-on sa opisyal na website ng FOI. Oras na makalog-on ay maaaring sumagot sa online ang humihingi ng impormasyon at banggitin ang buong pangalan, contact information, at ang gustong uri ng komunikasyon.
Ang FOI ay ipinagpalagay ng gobyerno bilang isang paraan upang hadlangan ang tinatawag na “fake news”. ABN

RELATED POSTS

BAGUIO BOOK FAIR

BAGUIO BOOK FAIR

The Development Board Association of the Philippines, with the support of the National Book Development Board of the Philippines, brings...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest