18anyos na binata, arestado sa robbery extortion sa Urdaneta

Arestado ang 18anyos na binata sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Urdaneta City police bandang 3pm ng Mayo 15, 2018 sa Magic Mall, Urdaneta City.
Sa imbestigasyon, bago pa maaresto ang suspek na si Jarc Shayne Mamasig Cabagon, residente ng Don Muerong St. Zone 1, Brgy. San Jose, Urdaneta City, Pangasinan, ang dalagang biktima na 20anyos at residente ng Estrada St. Brgy. Poblacion, Urdaneta City, Pangasinan, ay nakakatanggap ng maraming text message mula sa suspek na humihingi ng P1,500 sa kondisyon na hindi isasapubliko sa social media ang larawan ng biktimang nakahubad.
Dahil dito, umaksiyon ang Urdaneta CPS at nagsagawa ng entrapment ng suspek. Bandang 3pm ng Mayo 15, nagpunta ang mga responding pulis sa Magic Mall kung saan magkikita ang dalawa.
Nang matanggap ng suspek ang pera mula sa biktima, agad na inaresto ng mga otoridad ang suspek at binasa ang kaniyang constitutional rights. Nakuha mula sa suspek ang perang nagkakahalaga ng P1,500 sa iba’t ibang denominasyon. Dinala ang suspek sa Urdaneta CPS para sa tamang disposisyon.
 

Amianan Balita Ngayon