Nagtamo ng 2nd degree burn sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng isang 19 anyos na dalaga nang sumabog ang liquefied petroleum gas (LGP) tank sa kanyang tinitirhan sa Middle Quirino Hill, Baguio City noong Enero 31, 2017, dakong ika-7 ng umaga.
Ang biktimang kinilalang si Puleen Napaldet Angway, estudyante, ay nagtamo ng thermal burn superficial-2nd degree at partial thickness burn sa pareho niyang hita at paa at pati sa likod ng kanyang katawan dahil sa pagsabog ng tangke.
Agad itong dinala ng mga kapitbahay sa Pines City Doctor’s Hospital upang malunasan.
Sa ulat ng pulis ng Station 2 ng BCPO, sinabi ni SFO1 Jerry Sanoy ng Bureau of Fire Protection, ang hose ng gas tank ay may bahagyang sira na naging dahilan ng gas leakage.
Inamin ng biktima na nalimutan nitong patayin ang gas tank valve bago ito natulog. Dakong 6:30 kinaumagahan ay naamoy niya ang gas leak kaya tinignan nito ang tangke at pinatay ito.
Nang inaakala niyang wala nang peligro ay isinaksak niya ang cord ng microwave upang magtusta ng tinapay para sa kanyang umagahan ngunit biglang sumabog ang tangke ng gas.
Hindi pa malaman ang halaga ng nasira sa pagsabog.
February 4, 2017
February 4, 2017
September 13, 2024
September 7, 2024
August 24, 2024
August 24, 2024
August 17, 2024