1st Regional Barangay Congress

Nagsagawa ng kauna-unahang Regional Barangay Congress ang kinatawan ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas na pinangunahan ni President Victor B. Gines Jr. na kinabibilangan ng malalaking probinsya sa Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino at Region II. Panauhing pandangal at nagbigay ng mensahe si Senadora Imee Marcos kaugnay sa pag-aproba ng senado sa third at final reading ang panukalang postponement ng Barangay at SK eleksyon sa May 11, 2020.
Samantala ang Senate Bill No. 1043 na iniakda ni senadora Marcos na inaprubahan sa Senado ay ang pagtakda ng Barangay at SK eleksyon na gagawin na sa December 5, 2022 upang may panahon pa na mapaghandaan ng Comelec ang hybrid eleksyon.
Ginanap ang Barangay Congress sa Crown Legacy Hotel, Baguio City noong Oktubre 4, 2019.
 
Mario Oclaman/ABN

Amianan Balita Ngayon