2 babae arestado sa buy bust operation

Tagumpay ang isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng undercover police ng Station 1, Baguio City Police Office at mga miyembro ng Drug Enforcement Agencies ng Cordillera matapos maaresto sa magkahiwalay na paghuli sa dalawang babaeng hinihinalang suspek sa pagbebenta ng bawal na gamot.

Sa matiyagang pagmamasid ng operation ng mga undercover ay naunang minamanmanan ang isang babae na suspek habang naglalakad ito sa kahabaan ng Lourdes Extension, Baguio City noong bandang hapon ng April 24, 2017 ay magalang na pinakiusapan itong pinahinto at kinapkapan. Nasamsam sa kanya ang isang transparent sachet na hinihinalang shabu kasama ang pera na halagang P500 gamit sa buy-bust at isang cellular phone.

Kinilala ang suspek na si Maritess Puntawe Enriquez, 42, tubong Santa Ana, Metro Manila at kasalukuyang naninirahan sa Lourdes Extension

Sumunod naman ang isa pang babae na naaresto sa Naguilian Road, harap ng Saint Vincent Gym, Campo Filipino barangay. Kinilala ang suspek na si Mary Genny Lee Quinto Dizon, 49, ng North Central Bayan Park, Aurora Hill. Nasamsam sa kanya ang siyam na heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na nakasilid sa isang pouch, halagang P500 na ginamit sa buy-bust at ang boodle money na P1,000, drug paraphernalia, isang cellular phone at shoulder bag.

Ang dalawang suspek ay naaresto sa loob lamang ng isang araw matapos isinagawa ang isang pagmamatyag na humantong sa tagumpay na pag-aresto.

Dinala ang mga suspek kasama ang nakumpiskang mga piraso ng hinihinalang shabu bilang ebidensya sa Regional Crime Laboratory Office, Camp Bado, Dangwa, La Trinidad, Benguet at para maipasailalim na rin ang dalawang suspek sa drug test laboratory examination habang inihahanda ang angkop na kaso para sa pag-file sa hukuman.

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon