2 Katao positibo sa COVID-19 sa San Fernando, LU

SAN FERNANDO CITY, La Union – Kinumpirma ng lokal na gobyerno ng syudad na ito na may 2 katao ang naitalang nagpositibo di umano sa COVID-19 na mula sa barangay Lingsat at Sevilla ng syudad na ito.
Ang dalawang nagposibo ayon sa ulat ng Department of Health ng Region 1 ay isang 66 anyos na babae na mula sa barangay Lingsat na wala namng “travel history” o exposure sa sinumang tao. Ang isa naman ay isang 44 anyos na lalaki na mula sa barangay Sevilla na wala ring “travel history” o exposure sa sinumang taong may dala ng sakit na COVID-19.
Ang biktimang 66 anyos ay nakaramdam umano ng sakit noong Marso 26, 2020 at dinala sa Lorma Medical Center noong Marso 29, 2020.
Ang ikalwang biktima na 44 anyos ay nakramdam ng sakit noong Marso 17, 2020 at isnugod sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) noong March 18, 2020.
Ayon kay City Mayor Alfredo Pablo R.Ortega ang dalawang nagpositibo ay nasa maayos na kalagayan na sa ngayon matapos ang ilang lingong naka confined sa mga nasabing hospital at agad ding nilapatan ng gamnot kung kayat naging stable na ang kanilang kalagayan.
Sinabi rin ni Ortega na “Both of the COVID-19 Inter-Agency Task Force and the concerned barangay councils are now conducting strictly measures on proper handing and contact tracing”.
Sinabi rin niya na dahil sa ipinapatupad na “ Pre-Emptive Heightened Enhanced Community Quarantine under Executive Order No. 50-2020, the LGU believes that with the collective efforts and cooperation of the residents, this will contained the widespread at the pandemic”.
Idinagdag pa niya na ito ay hindi makakayanan ng gobyerno lamang kundi ang pagkakaisa at pagtutulungan ng community at ang pagkakaroon ng disiplina sa bawat isa”.
Ang lalawigan ng La Union sa ngayon ay may naiulat na 12 kaso ng COVID-19,at tatlo rito ay pumanaw na.
Ang mga nasabing namatay na mga pasyte ay mula sa bayan ng San Juan, Bauang at Agoo na kung saan ay binawian ng buhay noong nakarang huling lingo ng Marso.
Ang pitong natitira ay mula sa bayan ng Caba, Bauang, Sto Tomas, San Juan, Naguilian, at 2 sa Agoo. Ang anim sa 7 ay nasa inilagay na sa isang quarantine hospital sa lalawigan at ang isa naman ay naka home quarantine lamang.
Erwin Beleo/ABN

Amianan Balita Ngayon