2 katao tiklo sa pagpuslit ng weeds oil

SADANGA,Mt.Province – Hindi nakalusot sa police checkpoint ang dalawang katao na lulan ng motrsiklo at tangkang ipuslit ang isang botelyang marijuana oil transporters sa Sitio Ampawelin, Poblacion, Sadanga Mountain Province. Kinilala ni Mountain Province PPO Director Col.Ruben Andiso, ang nasakoteng sina Nelson Collasit Banson, 38, driver,ng Calagdao, Bulanao, Tabuk City at Flores Balnao Maguilao, 21, ng Tulgao West, Tinglayan, Kalinga.
Ayon kay Andiso, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa concerned citizen kaugnay sa transportation ng illegal drug,kaya agad nagsagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng Sadanga MPS at PDEA-Mountain Province at pinahinto ang papadaan na motorsiklo na walang plaka na minamaneho ni Banson.
Hinanapan ng pulis ang drayber ng dokumento ng motorsiklo at nang buksan nito ang kanyang compartment ay nakita ang isang boteng 2×2 na naglalaman ng marijuana oil, na tinatayang nagkakahalagang P21,000.Ang dalawa ay kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 ng Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon