2 lalaki arestado sa buy-bust operation sa Benguet

Arestado ang dalawang lalaki matapos ang isinagawang buy-bust operation ng magkasamang operatiba ng Regional Intelligence Division, La Trinidad MPS-DEU, Benguet PDEU, RIU-14 at PDEA bandang 5:15pm ng Nobyembre 21, 2018 sa Buyagan, Poblacion, La Trinidad, Benguet.
Ang poseur-buyer ay nakabili ng isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride (shabu) mula sa isa sa mga suspek gamit ang totoong P1,000 bill na may serial number MS316392. Ang iba pang nasamsam mula sa mga suspek ay tatlong piraso ng heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang itim na Samsung keypad cellular phone at ang buy-bust money.
Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Darrel Balanggoy Calpasi alyas “Daryl”, 31anyos, driver at boarder sa Pico, La Trinidad, Benguet; at Adonis Palasi Wayan (dating sumuko noong Hulyo 13, 2016), 36 anyos, walang trabahao at residente ng Ampasit, Wangal, La Trinidad, Benguet.
Nagsagawa ng onsite markings at inisyal na inventory sa lugar ng transaksiyon na sinaksihan ni Barangay Chairman Manuel Amoy. Ang final inventory ay isasagawa matapos dumating ang iba pang mga saksi. Isinasagawa na rin ang paghahanda ng iba pang kinakailalang mga dokumento para sa pagpila ng angkop na kaso laban sa mga nasabing suspek.

Amianan Balita Ngayon