2 lalaki sugatan sa pananaksak sa Pangasinan

MABINI, PANGASINAN – Pinagsasaksak ang dalawang lalaki habang nag-iinuman bandang hatinggabi ng Nobyembre 5, 2018 sa Matrio Bar na matatagpuan sa Barangay Calzada, Mabini, Pangasinan.
Iniulat ni Valeria Basila, may-ari ng nasabing bar, ang insidente sa Mabini police bandang 9am ng Nobyembre 5.
Kinilala ang mga biktima na sina Danilo Barreto Negrillo, 41 anyos, at Rome Aquino Subiza, 27 anyos, kapwa construction workers at residente ng nasabing barangay.
Sa inisyal na imbestigasyon, nag-iinuman ang mga biktima sa nasabing lugar nang magkaroon ng maiinit na pagtatalo at di pagkakaunawaan sa grupo ng mga suspek na nag-iinuman din nang walang dahilan ay nagkaroon ng komosyon at biglang may sumaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng mga biktima. Agad tumakas sa di malamang direksiyon ang di pa nakikilalang lalaki.
Ang mga biktima ay isinugod ng isang concern citizen sa Western Pangasinan District Hospital, Alaminos City, Pangasinan para sa agarang lunas.
Nagsagawa ang mga tauhan ng Mabini PS ng hot pursuit operation para sa posibleng pagkaaresto ng mga suspek.

Amianan Balita Ngayon