2 patay, 1 sugatan sa lasing na pulis sa La Union

May 21, 2017

SAN FERNANDO CITY, LA UNION – Humantong sa pagkakapaslang ng dalawang lalaki habang ikinasugat naman ng isa pa ang pagkapikon ng isang pulis sa mga kainuman nito sa Barangay Santiago Sur, lungsod na ito, Mayo 17, 2017.
Kinilala ni Police Superintendent Dennis R. Rodriguez, hepe ng pulis, ang suspek na si PO1 Ricardo A. Rillo, 44, residente ng naturang lugar, at nakatalaga sa Santiago Police Community Precinct.
Agad na namatay sina Willie D. Fernando, 48, at Joseph Balanag matapos silang pinagbabaril ng suspek habang ang nasugatang biktima na si Christian Fernando, 23, pamangkin ni Willie, ay dinala sa Ilocos Training Regional Medical Center. Ang mga biktima ay pawang residente rin sa lugar.
Ayon kay Rodriguez, sa pahayag ng isa nilang kainuman na kinilala sa pangalang Pedro Apiado, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawang namatay na biktima at suspek. Sinubukang umawat ni Christian ngunit maging ito ay pinaputukan.
Hindi malinaw kung ano ang biro na naging dahilan ng galit ng suspek.
Ayon pa kay Apiado, nauna silang umuwi ni Rillo habang ipinagpatuloy pa ng mga biktima ang inuman.
Dakong 8:45pm ay bumalik ang suspek at walang atubiling pinagbabaril ang mga biktima.
Narekober ng rumespondeng Scene of the Crime Operatives ang 10 piraso ng basyo ng cal.45, at dalawang deformed bullets.
Ang suspek ay inaresto ng mga pulis at kasalukuyang naka-detain sa City Police Station. Inihahanda ang kasong murder at frustrated murder kontra sa kanya. Erwin Beleo at Jun Elias / ABN

RELATED POSTS

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd...

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest