2 PTV niregalo ng PCSO sa Benguet

LA TRINIDAD, Benguet – Dalawang Patient Transport Vehicle (PTV) ang karagdagang ibinahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa bayan ng Kapangan at Bakun sa lalawigan ng Benguet.
Ito ang ikatlong PTV ang naibigay na ng PCSO sa lalawigan ng Benguet, na ang una ay sa bayan ng Tuba noong Setyembre 2020 sa tulong ni Benguet caretaker Congressman Eric Yap.
“Target namin na mabigyan lahat ng PTV ang kabuuang 13 bayan ng lalawigan sa susunod na taon, dahil alam ng aming ahensya na pangunahin itong pangangailangan sa panahon ng pandemya,: pahayag ni Marie Louise Serojales,executive assistant and in-charge on charity matters ng PCSO main office.
Ayon kay Serojales, yong 10 pang bayan na nag-request ay nakapila na sa aming tanggapan at napakalaking bagay ang suporta ni Congressman Yap sa pag-eendorso,dahil dati ay may counterpart ang munisipyo para sa pag-request ng ambulansya,pero ngayon ay 100 percent na ibinibigay na ito ng PCSO.
“Dati kasi may sharing na 60-40 sharing na ang 40 percent counterpart ay sa mga LGU mula sa first hanggang fourth class municipality, pero ngayon sa pagiging generous ni PCSO General Manager Garma, ay napa-approved niya sa board na completely 100 percent donation na ang PTV na ibibigay sa mga munisipyo,” wika pa ni Serojales.
Bukod sa PTV na nagkakahalagang P1.6 milyon bawat isa na personal na ibinigay kina Kapangan Mayor Manny Fermin at Bakun Mayor Bill Raymundo, ay pinagkalooban din assorted medicines ang mga bayan ng Buguias,La Trinidad,Tublay at sa Office of the Congressman Yap.
Ipinaliwanag din ni Serojales na kaya PTV ang nakalagay sa sasakyan ay para mapabilis ang pag-distribute nito dahil sa immediate na pangangailangan ng LGU’s, dahil kung ilalagay nila ay ambulance ay kailagang irehistro pa ito sa Department of Health.
Labis ang pasasalamat naman nina Mayor Fermin at Raymundo sa bagong PTV o’ ambulansya na ipinagkaloob sa kanila ng PCSO.”Very remote ang aming bayan at hirap kami sa sasakyan para maihatid ang pasyente sa provincial hospital at sira na ang aming dating ambulansya at mahal ang mga piyesa nito,” pahayag ng dalawang alkade.
Idinugtong pa ni Serojales, na ang iba pang request ay nasa priority list na ng PCSO at target na mabigyan lahat, hindi lamang sa Benguet,kundi sa buong bansa na makompleto ito sa susunod na taon.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon