2 sugatan sa motorsiklong sumalpok sa kotse

LUNGSOD NG BAGUIO – Nagresulta sa pagkasira ng ari-arian at multiple physical injuries ang salpukan ng isang kotse at motorsiklo sa Lower Magsaysay Avenue, bandang 7:27am noong Pebrero 20, 2018.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ang Kawasaki CT100B motorcycle na walang plaka at minamaneho ni Hesper Labayog Dumincil, 54, silkscreen proprietor at residente ng Tawang, La Trinadad, Benguet, ay patungo sa direksyon ng city proper mula sa La Trinidad.
Habang paakyat sa right outermost lane ng kalsada ay nag-overtake ito sa mga sasakyan na nakatigil nang biglang sumalpok sa isang Mitsubishi Adventure Wagon na may license plate number 2NZ-450 na minamaneho ni Jonathan Balao Tambol, 37, abogado at residente ng Purok 7, Bakakeng Norte, Baguio City, na nagmula sa direksyon ng Magsaysay Avenue at lumiko sa kaliwa, papasok sa parking entrance ng Hotel Supreme.
Bilang resulta, ang parehong sasakyan ay nagtamo ng pinsala habang si Domincil at ang kanyang anak na si Charity Apilado Domincil, 25, guro sa Bell Academy Crystal Cave, Baguio City, ay nagtamo ng pinsala at dinala ni Tambol sa Pines City Doctors Hospital at kalaunan ay inilipat sa Baguio General Hospital.
Nagtungo ang responding traffic investigator sa nasabing ospital at kinumpiska ang lisensya ng parehong drayber, kasama na ang OR/CR ng mga sasakyan, at nag-isyu ng traffic citation ticket. MA. KRYSTAL I. DIOQUINO, UB Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon