2 WANTED SA BAGUIO, NATIKLO NOONG BIYERNES SANTO

BAGUIO CITY

Magkasunod na nalambat ng mga tauhan ng Baguio City Police Office ang tinaguriang No.4 at 7 most wanted person ng siyudad ng Baguio noong Biyernes Santo. Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Joshua Asuncion, 24, at Noegie Cos Caingas, 29. Si Asuncion, ang No. 4 most wanted person, ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest ng mga tauhan ng Baguio City Police Office Station 5 , Police Regional Office-Cordillera, at Philippine National PoliceSpecial Action Force, dahil sa kasong panggagahasa.

Nasakote naman ng BCPO Stations 8 at 9, sa koordinasyon ng Bolinao, Pangasina Municipal Police Station, si Caingas, alyas “Denden,” 29, sa kanyang hideout sa Bolinao. Si Caingas, ang No. 7 most
wanted person ay nahaharap sa kasong robbery with force upon things na nakasampa sa Branch 7, Regional Trial Court, Baguio City. Inirekomenda ng korte ang piyansang P72,000 para sa
kanyang pansamantalang kalayaan.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon