2 WANTED SA RAPE, ARESTADO

LA TRINIDAD, Benguet – Dalawang katao na parehong akusado sa panggagahasa at nasa listahan ng Most Wanted Persons (MWP) ang magkahiwalay na nadakip ng mga tauhan ng Police Regional Office- Cordillera.
Kinilala ni PROCOR Regional Director PBGen. Ronald Lee, ang nadakip na sina Hufana Balagot, 40, ng Bauang, La Union, na nasa listahan bilang No. 5 MWP sa Baguio City at Geraldo Dacuyan, 68, ng Langiden, Abra at tinaguriang No.3 MWP sa Abra (Municipal Level).
Ayon kay Lee, si Balagot ay nadakip ng mga operatiba ng Baguio CPO at Burgos MPS sa kanyang bahay sa Barangay Taberna, Bauang, La Union sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ivan Kim B. Morales, ng RTC Br. 59, Baguio City sa kasong Rape and Rape Through Sexual Assault.
Napag-alaman noong 2016, si Balogot ay kinasuhan ng panggagahasa s kanyang sariling pamangking sa siyudad ng Baguio. Si Dacuyan na wanted sa Langiden,Abra ay natunton Quezon City, noong Mayo 4 ng mga tauhan ng Abra PPO sa bisa ng warrants of arrest na inisyu ni Judge Homer Ragonjan, ng RTC Branch 1, Bangued, Abra.
Si Dacuyan ay nahaharap sa kasong is multiple of Rape in relation to Special Protection of Children Against Abuse (Sec 5, Art III of RA 7610), Exploitation and Discrimination Act and four counts of Acts of Lasciviousness, kaugnay sa pang-aabuso sa 14 tao gulang na apo ng kalive-in partner nito.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon