20 TULAK NG DROGA ARESTADO, P12-M HALAGA NG ILIGAL NA DROGA NASABAT SA CORDILLERA

CAMP DANGWA, Benguet

Umabot sa 20 drug suspek ang nasakote sa loob ng buong lingo at nasa kabuuang P12 milyong halaga ng shabu at marijuana ang nasamsam sa anti-illegal drug operation sa Cordillera mula Hunyo 11-17 ng taong ito. Sinabi ni Brig.Gen.David Peredo,Jr., regional director ng Police Regional Police OfficeCordillera na ang mga operatiba mula sa Benguet at Kalinga Provincial Police Office na
nagsagawa ng magkahiwalay na operasyon ng marijuana ay nakadiskubre ng kabuuang 37, 020 piraso ng Fully-Grown Marijuana Plants (FGMJP) , 200 piraso ng marijuana seedlings, at 300 piraso ng marijuana stalks na may kabuuang Standard Drug Price (SDP) na P7, 418, 000.00 sa walong clandestine marijuana plantation sites.

Ang lahat ng iligal na droga ay sinunog pagkatapos ng dokumentasyon, at ang mga follow-up na operasyon ay isinasagawa upang matukoy ang mga posibleng nagtatanim ng marijuana. Sa pagbanggit sa mga rekord mula sa Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, mahaharap ang dalawampung drug personalities sa kasong paglabag sa R.A. 9165, o Comprehensive Dangerous
Drugs Act of 2002, matapos mahulihan ng kabuuang 9.13 gramo ng shabu at 38,025. 60 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at namumunga na may kabuuang SDP na P4,625,156.00.

Ibinunyag sa parehong ulat na ang Kalinga PPO ang nagtala ng pinakamataas na bilang ng mga naarestong drug personalities na may walo, na sinundan ng Baguio City Police Office (BCPO) na
may anim na naaresto; Abra PPO na may tatlong naaresto; Benguet PPO na may dalawang arestado, at Ifugao PPO na may isang arestado.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon