200 magsasaka, inaasahang lilipat sa BAPTC

LA TRINIDAD, BENGUET – May 200 magsasaka ang inaasahang lilipat sa Benguet Agri-Pinoy Trading Center (BAPTC), ito ang sinabi ni Mayor Romeo Salda sa nakaraang pakikipanayam. Ang unang batch ayon kay Salda ay hinihintay na lamang ang carrot washing center na maging fully operational bago gamitin ang lugar na pinondohan ng Department of Agriculture na sinasabing pinakamalaking trading center ng bansa.
Sinabi ni Salda na nasa 200 magsasaka na bumubuo sa unang batch na gagamit sa BAPTC. Ang carrot washing facility ay maaaring punan ang pangangailangan ng mga facilitators at traders na nakikitang solusyon sa problema na hinaharap ng mga stakeholders sa kakulangan ng mga pasilidad sa center na kung saan napipilitan silang gumamit ng ibang pasilidad sa paghuhugas ng kanilang produkto.
Maaalalang ang paglipat sa BAPTC ay nagkaroon ng kontrobersiya at pagdadalawang-isip ng mga stakeholders sa takot na masisira ang relasyon sa pagitan ng farmers, buyers, traders at disposers.
Disyembre noong nakaraang taon ay nagkaroon ng experimental trading na gumamit ng 82 lanes at dalawang consolidation lines na layong tulungan ang mahigit 147,000 na magsasaka na regular na magsusuplay ng gulay. ABN

Amianan Balita Ngayon