2,000 TRICYCLE OPERATORS, DRIVERS NAGREHISTRO SA GUICONSULTA SA PANGASINAN

LINGAYEN, Pangasinan

Mahigit dalawang libong tricycle operators at drivers mula sa 35 Tricycle Operators and Drivers’ Associations (TODA) ang nagpa-rehistro sa pamamagitan ng GUICOnsulta ng Pamahalaang Panlalawigan, na pinangunahan mismo nina Governor Ramon V. Guico III at Vice Governor Mark Lambino sa bayan ng Lingayen. “Alam ninyo po ang Philhealth ano, ito ang medical insurance ng ating gobyerno upang sa ganun kung kayo po ay nagkasakit at naospital po, na-admit po at least overnight at gagamutin ka kung kaya ng serbisyo ng ating ospital tulad po ng Lingayen District Hospital o ng RHU ninyo dapat wala kayong babayaran.

Kaya po ginagawa ko sampu ng mga kasama po natin, marami pong mga bagong kagamitan ang Lingayen District Hospital,” pahayag ni Gov. Guico Bawat isa ay binigyan din ng tig P1,200 pinansyal na tulong at hiniling nito na
bigyan siya ng konting panahon para matapos ang magagandang proyekto na makakatulong sa paglago ng ekonomiya sa bayan ng Lingayen. “Bigyan ninyo lang ako ng konting panahon para tapusin lahat ng development dito sa Kapitolyo. Kasi magiging pasyalan ito, mas lalakas ang inyo pong biyahe dahil pasyalan na nga siya, may
dancing fountain ‘yan. Magkakaroon tayo ng government center na eleven storey building.

May itatayo pa tayong hotel diyan at saka siguro mga commercial mall upang sa ganun mas magiging maganda ang ekonomiya ng Lingayen,”paliwanag pa niya. Ikinatuwa ng mga drivers at operators ang magandang balita at natanggap na tulong. Dumalo rin sa programa sina 2nd District Board Member Philip Theodore E. Cruz, Board
Member Atty. Haidee S. Pacheco at iba pang opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon