BAGUIO CITY
Pinarangalan ng Police Regional PoliceCordillera ang 201 baguhang pulis, matapos ang anim na buwang field training program sa ilalim ng Public Safety Basic Recruit Course (PSBRC), na ginanap sa New Town Plaza,noong Mayo 30. Ang mga nagtapos, ay kinabibilangan ng 59 babae at 142 lalaki mula sa Alpha hanggang Delta companies ng PSBRC Batch 2023-01 “BALAGSIK” Class, na pinangasiwaan ng Police Regional Training Center (PRTC)-Cordillera, na ngayon ay handa na sila para sa panibagong yugto ng kanilang pagseserbisyo sa bayan at mamamayan.
Ang makasaysayang graduation rites ay nina Khristine E. Molitas, na kumatawan kay Benguet Congressman Eric Go Yap; Col. Arnold Razote, chief ng Regional Personnel and Records Management Division; Col. Eduardo Danguecan, chief ng PRTCCordillera; PRTC-Cordillera Staff at Nelson DG Enrique,head ng AFPSLAI Baguio Branch. Bilang highlight ng seremonya, tatlong police trainees ang binigyan ng Certificates of Merit para sa kanilang outstanding
performance sa kurso, na sina Pat Audi M Sinong (91.69%), Pat Fujimory B Lawa (91.38%) at Pat Aaron L Blas (90.76%).
Iginawad ang NPTI Director Leadership Awards kay Pat Alvin Utang, na nagsilbi bilang Battalion President, habang si Pat Silvestre Bangloy ay nakatanggap ng parehong parangal para sa pagsisilbi bilang Battalion Commander.
Zaldy Comanda/ABN
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024