2016 graduates, dapat mag-enrol na para makaiwas sa senior high – CHED

LA TRINIDAD, Benguet – Inianunsyo ng Commission on Higher Education Cordillera (CHED-CAR) na huling pagkakataon na ng mga estudyanteng nagtapos noong 2016 para makapag-enrol ngayong taon upang hindi na kailangan pang pumasok nang dalawang taon sa senior high school.
Tinatawag na life long learners ang mga estudyanteng nag-graduate ng high school bago mag-2016 sa ilalim ng lumang curriculum bago ipinatupad ang K to 12 Basic Education Program at hindi pa pumapasok ng kolehiyo o huminto ng pag-aaral bago makuha ang kanilang undergraduate degree.
Hinihikayat sila ng CHED na mag-enrol sa kolehiyo para sa school year (SY) 2017-2018 upang hindi na nila kailangan pang dumaan sa senior high school.
Ayon sa CHED ay may mga inilaan na scholarships para sa mga life long learners upang makabalik sa kolehiyo. Maaari silang mag-apply ng full scholarship, partial scholarship o Private Education Student Financial Assistance (Pesfa) scholarship.
Puwedeng mag-apply mismo sa CHED at kumuha ng Student Financial Assistance Programs (StuFAPs) na kinakailangang kwalipikado sa priority courses ang kanilang programa katulad Information Technology, Agriculture and related fields, Teacher Education, Science and Math, Engineering, Health Sciences, Arts and Humanities, Social and Behavioral Sciences, Business Administration and other related courses, Architecture, Maritime, Communication at iba pa. Rica Gil, UB Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon