23 NPA binigyan ng ayuda sa Abra

Provincial

CAMP JUAN VILLAMOR, Abra – Dalawangpu’t tatlong rebeldeng New People’s Army (NPA), na boluntaryong sumuko at nagbalik-loob sa pamahalaan ang pinagkalooban ng mga benipisyo mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP), na ginanap sa Kapitolyo ng lalawigan.

Ayon kay PROCOR Regional Information Officer Capt. Marnie Abellanida, ang simpleng programa ay dinaluhan nina PROCOR Directo Ronald Lee; BGen. Krishnamurta Mortela, commander 702nd INF BDE, 71D PA at Governor Ma. Jocelyn Bernos at iniabot sa mga rebelde ang kabuuang cash assistance na P429,000.00 noong Hunyo 2.

Ang 23 dating rebelde ay mula sa mga bayan ng Bucloc, Daguioman, Dolores, Lagayan at Sallapadan, na boluntaryong sumuko sa patuloy na negosasyon ng pulisya at local officials.

Ayon kay Abellanida, ang nasabing halaga ay ipinagkaloob ng gobyerno para sa pagsisimula ng kanilang panibagong-buhay at bukod dito ay makakatanggap pa sila ng karagdagang benpisyo mula sa ibang ahensya ng pamahalaan. Para sa karadagan sa ECLIP benefits, personal nagbigay ng cash assistance si Lee ng halagang P100,000 para sa 10 dating rebelde na naunang sumuko mula sa bayan ng Bucloc, Daguioman at Sallapadan who recently surrendered.

Zaldy Comanda/ABN