23RD FILIPINO-CHINESE FRIENDSHIP DAY, GINUNITA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY

Pinangunahan nina Consul and Head of Post Ren Faqiang, Consulate of the People’s Republic of China in Laoag City at Mayor Benjamin Magalong, kasama ang ilang city officials at officers and members ng Baguio Filipino-Chinese Community ang pagdiriwang ng 23rd Filipino-Chinese Friendship Day na ginanap sa Filipino Chinese Friendship Park, Botanical Garden, Baguio City, on June 15.

Ang selebrasyon ay isinagawa sa pamamagitan ng pagpapalipad ng kalapati bilang tanda ng malayang pagkakaibigan ng dalawang bansa at naging highlights ang pamimigay ng 10 grocery packs sa mga beneficiaries na gaya ng visually impaired individual, mga batang may mga kapansanan at iba pang person with disabilities. “ Ang relasyong ito na
mahigit ng dalawang-dekada ay bunga ng mahusay na relasyon, hindi lamang bilang kaibigan,kundi isang pamilya,
kadugo at patuloy na pagtutulungan tungo sa ekonomiya ng dalawang bansa.

Ang relasyong ito ay ipasa sa henerasyon hanggang sa henerasyon ang pagkakaibigan at labis akong nagpapasalamat sa mahusay na relasyon sa pagitan ng lungsod ng Baguio at mga filipino chinese community dito,” pahayag ni Faqiang. Kinilala naman ni Magalong ang naging malaking ambag ng Fil-Chi community sa lungsod, hindi lamang
pagsuporta sa mga programa ng siyudad, kundi maging sa kanilang mga community outreach programa, na gaya ng
pagpapatayo ng mga karagdagang school building sa mga paaralan at paghahatid tulong sa panahon ng kalamidad.

“Bukod dyan, maging sa turismo ay katuwang din natin sila, gaya ng kanilang Chinoy mural na ginawa ay nagsisilbing atraksyon sa ating mga bisita at ang Fil-Chinese Friendship Park na ito, na personal nilang dinidevelop at pinapaganda, na malaking kabawasan natin sa maintenance sa Botanical Garden at noong panahon ng pandemya, nanguna din sila na tumugon sa pangangailangan sa ating siyudad.Maraming salamat sa inyo,” pahayag ni Magalong
Sinabi naman ni Ng, “Ang pagkakaibigang ito ay hindi magtatapos sa kabila ng isyung hinaharap ng dalawang bansa,
dahil kami na dito na sa Pilipinas nanirahan, ipinanganak at nag negosyo ay dugong Pilipino para mahalin ang lugar na aming kinalalagyan.”

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon