24/7 Command Center, binuksan sa Bauang

BAUANG, LA UNION – Sinigurado ni Bauang Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III ang presensya at pagdalo ni Region 1 regional director PC Supt Charlo C. Collado bilang pangunahing pandangal sa ginanap na pagpapasinaya ng Command Center ng Closed Circuit Television (CCTV) at ang pagbasbas ng tatlong government vehicles sa Philippine National Police na pinamunuan ni Bauang Chief of Police Major Joel P.  Lagto na kaloob ng local government unit ng Bauang.

Kasama rin dumalo sina Provincial director PS Supt. Leo M. Francisco, PDEA regional director Jeoffrey C. Tacio, OCD director Melchito M. Castro, Bauang Vice Mayor Bonifacio Malinao at dinaluhan rin ng 39 barangay captains.

Pinasalamatan ni De Guzman ang 1590 Energy Corporation na nagbigay ng assistance equipment  na mga coddler, bullet proof vest, at radios para sa kapulisan.

Malaking pasasalamat ang binigay ng alkalde kay Jun P. Santillana, founder, president at CEO ng PCCRAFT Computer Technologies Inc., na nag-supply ng kauna-unahang high-tech CCTV sa Bauang.

Sinabi ni De Guzman, “malaking katulungan ang pagkakaroon ng 24/7 na CCTV na nai-turn over natin na multi-tasking hindi lang naman sa pulis lang yan, also to manned disaster, sa traffic, sa fire at maging sa bilangguan upang ma-monitor natin ang lahat na nangyayari. Kailangan talaga natin ito ngunit kahit maganda ang teknolohiya kung ang response team naman natin ay wala, zero, ay huwag na lang tayo magkaroon ng teknolohiyang command center na iyan. But then I believe with the commitment of the national agencies and to those who were working there magkakaroon tayo ng effective na emergency response team natin.”

“Ipagpaumanhin po ninyo sa pagkaka-turn-over ng mga sasakyan na medyo na-late hindi dahil sa ating pagkakamali kundi fault ng supplier dahil nagkaloko-loko sa delivery nila because they are coming up with some requirements kaya na-delay yung delivery ng ating vehicles. But inspite of that, I command the office of our chief of police with all the need resources that we have, we have a safer place right now.

“And the transition of our people, we gave all na magagawa natin political will to solve the traffic because nevertheless with the growing economy of Bauang, magkakaroon talaga ng trapik sa ating bayan, sisikip ang mga kalsada at magtatayuan ng mga gusali dahil marami na rin mga investor na gustong magtayo ng kanilang negosyo na isa itong mapapakinabangan ng ating bayan.

“But now the national agency are looking into our needs, itong nalalapit na panahon they are already coming up with the study and the plan of our road from Payocpoc to San Juan, iba pa yung continuation ng TPLEX to San Fernando.

“Kailangan pa rin natin ang pagkakaisa na magtulungan para mapanatili natin ang maayos at tahimik na pamumuhay dahil ang kasunod nito ay ang pag-unlad sa ating bayan,” pahayag ni De Guzman. ABN

Amianan Balita Ngayon