24K MARALITANG EDTUSYANTE SA ILOCOS NAKAKUHA NG TULONG MULA SA DSWD

LUNGSOD NG LAOAG, Ilocos Norte-Nasa 23,937 mahihirap na mag-aaral sa rehiyon ng Ilocos ang
nakatanggap ng tulong pangedukasyon mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)
hanggang Setyembre 10. Sa isang pahayag na inilabas noong Miyerkoles, Setyembre 14, sinabi ng DSWD na nakapaglabas na sila ng PhP55.8 milyon na tulong sa mga estudyante.

Ang pinakahuling pamamahagi ay isinagawa noong Setyembre 10, na may 1,549 karagdagang tumanggap sa Ilocos Norte, 653 sa Ilocos Sur, 49 sa La Union, at 3,650 sa Pangasinan. Base sa datos,
nakapaglabas ang DSWD ng 44.56 porsiyento ng PhP100.6 milyong pondo na nakalaan para sa tulong pang-efukasyon sa rehiyon. Ang tulong ay ibinigay sa ilalim ng isang programa na layong magbugay ng
educational, medical, funeral, at food provisions, at iba pa, sa mahihirap na mga Pilipino.

Ang mga estudyante sa elementarya ay nakatanggap ng PhP1,000 bawat isa habang ang mga nasa high school ay tumanggap ng PhP2,000 bawat isa; ang mga nasa senior high school ay PhP3,000 bawat isa;
at ang mga kumukuha ng college o vocational courses ay tumanggap ng PhP4,000 bawat isa.
Naunang sinabi ni DSWD1 Assistant Director Marlene Febes Peralta na ang mga local government units ay tumutulong sa ahensiya upang matukoy ang m,ga benepisaryo at suriin ang mga dokumento na
isinumite ng mga aplikante, gayundin sa panimulang assessment.

(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon