CAMP DANGWA, Benguet
Dahil sa pagtaas ng presensya ng mga pulis, nananatiling mapayapa ang animnapu’t siyam na munisipalidad sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon at pitong istasyon ng pulisya sa Baguio City, na nakapagtala ng zero crime incident ang Police Regional Office-Cordillera mula Hunyo 25 hanggang Hunyo Hulyo 1. Malaki ang ipinagbago ng lalawigan ng Abra na kilala bilang magulong lalawigan sa
Cordillera lalo na sa panahon ng eleksyon dahil sa pinaigting na peace and order campaign ng
Abra Provincial Police Office.
Zero crime incidents ang naitala sa 26 mula sa 27 munisipalidad sa Abra; anim sa pitong munisipalidad sa Apayao; sampu sa 13 munisipalidad sa Benguet; siyam sa sampung
munisipalidad sa Mountain Province at ang l11) munisipalidad ng Ifugao at pitong munisipalidad ng Kalinga. Sa lungsod ng Baguio, nagtala rin ng zero crime incidents ang Naguilian Police Station (PS) 1, Pacdal PS3, Loakan PS4, Legarda PS5, Aurora Hill PS6, Irisan PS9, at Marcos Highway PS10 mula sa 10 police stations sa lungsod.
Ayon kay Brig.Gen.David Peredo,Jr.,regional director, marami na ang nabago sa Abra, lalo na ang mga nakaraang lokal at pambansang halalan na naging mapayapa, hanggang matapos ang halalan ay walang karahasan na kinasasangkutan ng mga pulitiko. “Ngayong nalalapit na ang Barangay at Sangguniang Kabataan election, inalerto ko na ang mga pulis sa Abra na maging vigilant at bantayan ang seguridad ng lahat para sa isang mapayapa at malinis na halalan.”
Iniulat din ng PROCOR na 17 wanted na nagtatago sa batas ang nahuli sa manhunt operation mula sa nasabing petsa. Batay sa talaan ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), naitala ng Baguio City Police Office (CPO) ang pinakamataas na bilang ng mga naaresto na may sampung wanted person, na sinundan ng Benguet Police Provincial Office (CPO) na may limang naaresto at Kalinga. PPO at Mountain Province PPO na may tig-isang arestuhin.
Zaldy Comanda/ABN
July 7, 2023
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025