27 katao huli sa illegal gambling

Headlines

BAGUIO CITY – Dalawangpu’t pitong katao ang natiklo sa magkakahiwalay na operation ng pulisya laban sa illegal gambling sa lungsod at karatig lalawigan ng Benguet.

Nabatid kay City Director Allen Rae Co, sa bisa ng search warrant, sinalakay ng magkasanib na tauhan ng BCPO at CIDG-Cordillera ang isang iligal na online cockfighting game sa iaang tagong lugar sa Hilltop,Baguio City noong gabi ng Marso 29.

Nakumpiska ng mga operatiba ang isang Hisense Television; isang PLDT Home Fiber Model; isang PLDT Home Fiber Box, mga tables at chairs, na pinaniniwalaang ginagamit sa online cockfighting activities; playing cards at cash money na P8,644.00.

Nakilala ang mga suspek na sina Patricio Tubera Boadilla Jr.;Richard Dela Cruz; Clifford Bedrijo; Arman Parrocha; Romeo Mina; Romel Balbosa; Ato Dick Javier; Julius Boado Vallar; Jerwin Garcia Guzman; Rolando Rozon Natividad Jr; Reynaldo Sumalino Niocena Jr; Biliong Santillian Agandres; Cyrus Rimando Bedrijo; Joseph Antonio Molina; Juan Barcena Amistad; Berlyna Paris Padilla; Veronica Nillo Danganan; Alma Ballesteros Boadilla; Maria Rica Guiterrez; Ahleen May Tamayo at Reynaldo Delo Santos Gutierez.

Ayon kay Co, ang operasyon ay isinagawa base sa mga reklamo na kanilang natanggap mula sa concerned citizens, kaya agad na pinatupad ang OPLAN OLEA (Bolilyo) at ang mga nadakip ay sasampahan ng kasong paglabag sa of PD 1602 (Prescribing Stiffer Penalties on Illegal Gambling).

Sa Benguet, anim na katao din ang nasakote sa illegal gambling sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya. Kinilala ni Benguet PPO Director Reynaldo Pasiwen, ang nadakip na sina Jerwin Diola, Geffson Cuanso Balingan, Amor Dosil Isiada, Joner Atonan Fernando, Mario Singol Poroc at Felipe Calado Tinoy-an.

Ayon kay Pasiwen, si Diola ay nadakip sa Palina, Taloy Sur, Tuba, Benguet habang nangongolekta ng taya ng STL na wala namang permit mula sa PCSO, samantalang sina Poroc at Tinoy-an,ay nahuling sa isinagawang raid sa illegal cockfighting den at Sitio Payew Alno, La Trinidad, Benguet. at ang tatlo pang suspek ay nasakote habang naglalaro ng “tong-its” sa Sitio Kapungan, Caponga Tublay, Benguet.

Zaldy Comanda/ABN