CAMP DANGWA, Benguet
Nalambat ng Police Regional OfficeCordillera Administrative Region ang 29 katao na pawang nagtatago sa batas sa isanglinggong manhunt operation mula Hunyo 2-8. Sa talaan ng Regional Investigation and Detective
Management Division, naitala ng Benguet Police Provincial Office ang pinakamataas na bilang ng mga naaresto na 11
wanted person, na sinundan ng Baguio City Police Office na may walong naaresto,; Abra PPO na may apat na arestado; Kalinga PPO na may tatlong arestado; Apayao PPO, Ifugao PPO at Mountain Province PPO na may tig-iisang arestado.
Sa mga nahuling wanted na personalidad, pito ang naitala bilang Most Wanted Person (MWP) sa provincial level,
habang ang isa ay nakalista bilang MWP sa municipal level. Iniulat din na 61 munisipalidad sa iba’t ibang lalawigan ng CAR at tatlong istasyon ng pulisya sa Baguio City ang nakapagtala ng zero crime incidents. Zero crime incidents ang naitala sa 24 na munisipalidad sa Abra, 11 munisipalidad sa Ifugao, siyam na munisipalidad sa Benguet, walong
munisipalidad sa Mountain Province, limang munisipalidad sa Kalinga, at apat na munisipalidad sa Apayao. Dagdag pa rito, ang Police Station 2, Police Station 6, at Police Station 8 ng Baguio CPO ay nagtala ng zero crime incident
sa 10 police stations sa lungsod.
Zaldy Comanda/ABN
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024